Saturday, August 6, 2011

HOW SWEET

HUSBAND: "My Bride, I stand before you in awe of your beauty and in total amazement that this dream has come true. I thank you for choosing me to be with you for my heart is overwhelmed and overjoyed. You have been kind, patient and ever-willing to fill me with your unconditional love.   I will be your bestfriend, your teammate, your sparring mate, your ka-chismisan, your most avid Reginean, your Brad Pitt, your Tom Cruise and Justin Bieber rolled into one. To me, My Love, you are a song, so beautiful in its melody, warm and loving in its words and my heart would love to sing you for all eternity.   Our lifetime together begins today and i will cherish every single moment that i spend with you here on earth and until we finally join our Father in heaven. I love you and I always will."    

WIFE:   "Mahal, ang araw na ito ay magiging isa sa pinakaimportanteng araw sa buhay natin. Tinanong tayo ni Pastor kung bakit tayo magpapakasal. Mas madali raw kasi ang maging single. Pero hindi. Nung dumating ka sa buhay ko, pagod na ako at malungkot na ako. Sinagot naman niya agad ang mga dasal ko. Agad-agad! At ngayon, ngayon na nga ang umpisa--yun na nga ang pag-uumpisa ng pagpapacute mo sa akin. At in fairness sa'yo, cute na cute naman ako sa'yo. Simula nga noon hindi ko na maalala kung paano nagsimulang ikaw lang ang iniisip ko, pangangailangan mo lang ang iniisip ko. And to quote the APO:   "Hindi ko malimutan kung kailan nagsimula matutong ikaw lang ang mahalin, at'di ko malimutan kung kailan ko natikman ang tamis ng iyong halik, yakap na napakahigpit, pag-ibig mong tunay hanggang langit"End qoute.   Ganyan yata talaga pag nagmamahal ka ng totoo. Naging mahirap ang simula natin. May mga pagkakataon na sumuko ako. Patawad, Mahal. Hindi ko naman kasi alam na ito pala ang sukli sa lahat ng paghihirap na'yon. Mabuti na lang at hindi ka sumuko. Maraming salamat.   Simula sa araw na ito, ikaw na ang makakasama ko sa buong buhay ko. Alam kong magiging masaya at puno ng tawanan at pagmamahal ang magiging buhay ko kasama mo. Ganun pa man may mga pagkakataon na makakalimutan ko ang aking mga pangako. May mga sandaling hindi magiging mahaba ang aking pasensya. May mga panahong hindi kita maiintindihan. May mga araw na hindi kita maaalagaan. May mga pangangailangan kang hindi ko maibibigay. May mga oras na magiging masungit ako nang wala lang, walang kadahilanan. Pasensya na, hormones at saka 40 na malapit ng magmenopause. Pasensya na, Mahal. Ngunit sa lahat ng mga kakulangan kong ito, hindi nangangahulugang nabawasan ang pag-ibig at pagmamahal ko sa'yo. Sabi ko nga kay Lord kung hindi lang lang rin ikaw ayoko nang magmahal...kasi ayoko na ng iba, ikaw lang ang gusto ko.   Mahal, sa lahat ng pinagdaanan natin, ngayon naiintindihan ko na kung bakit kailangang mag-imbita tayo ng pagkarai-raing tao--pakainin, bigyan ng entertainment at bigyan ng regalo--para sa oras na pareho nating makalimutan ang ipinangako natin sa isa't isa ito ring mga taong ito ang magpapaalala sa atin para sa araw na ito..   I love you. I have never been so happy in all my life. Thank you."

No comments:

Post a Comment